top of page
Digital Rise: Coby Tablets kaakibat ng SHS sa pagkatuto
Kasabay ng digital rise sa bansa at ng malawakang paggamit ng teknolohiya sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kamakailan ay tumanggap ng limampung tablet ang Mabalbalino National High School, ito ay alinsunod na rin sa hangarin ng Department of Education na mas paigtingan pa ang pagkatuto ng mga mag-aaral at ang pagtuturo ng mga guro gamit ang mga nasabing gadyet. Layunin din nitong mas maimulat ang mga guro at mga mag-aaral sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng edukasyon. Umaasa pa rin ang nasabing ahensya na sa pamamagitan ng programang ito ay hindi lamang magkakaroon ng direktang koneksyon ang mga mag-aaral at mga guro sa modernong teknolohiya kundi magamit din ang mga ito sa mas ikauunlad ng kaisipan ng mga gagamit nito. Sa kabila ng digital rise na ito ay patuloy pa ring pinapaalala ng ahensya na maging responsableng tagapaggamit ng mga ipinagkaloob na gadyet.
Ang mga nasabing tablet ay maaaring hiramin at gamitin ng mga mag-aaral at buong kaguruan ng Mabalbalino National High School. Nilalaman ng nasabing gadyet na ito ang iba’t ibang aralin na mayroon sa Senior High School at mga educational application na tiyak mai-enjoy ng mga gagamit nito. Nagpaalala naman ng Punongguro ng paaralan na kung hihiramin ang mga gadyet ay magkakaroon ng ibayong pag-iingat sa mga ito upang magamit pa rin ng mga susunod pang magiging studyante ng Mabalbalino NHS.
bottom of page