NO HOMEWORK POLICY…usap-usapan
Ang takdang-aralin ay tinukoy bilang mga gawain na nakatalaga sa mga estudyante ng mga guro ng paaralan na nilalayon upang maisagawa sa oras na wala ng klase ang mga estudyante. Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang isyu tungkol sa “No Assignment Policy”. May mga natuwa at may mga tumutol. Bawat isa ay nagpahayag ng kani-kaniyang opinyon at saloobin.
Ang pagbibigay ng homework ay pagnanakaw ng oras. Oras sana na makasama ang pamilya, makapaglaro, makapagpahinga, makalaba, at makatulog nang mahimbing, subalit naisip ba nila na higit pang pinagpupuyatan ng mga kabataan ang social media (FB/ML) kaysa sa paggawa ng takdang aralin?
Ang paggawa ng takdang aralin ay maaaring gawing bonding ng isang pamilya. Sa ganitong paraan, maliban sa paggawa ng homework ay mabibigyan pa ng pagkakataon ang mga magulang na malaman ang mga ibang aktibidad na ginagawa ng kanilang mga anak sa paaralan gayundin ang kanilang mga akademikong pagganap, nagsisilbi rin itong daan upang mas makilala pa ng lubusab ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Gayunpaman, anuman ang layunin ng bill na ito nakasalalay pa rin sa kamay ng mga studyante ang kanilang pagkatuto sa mga leksyon na kanilang inaaral sa paaralan, sa pagtuturo ng mga guro at tamang paggabay ng mga magulang.